Update August 04, 2025

𝐂𝐂𝐓𝐌𝐔 𝐓𝐫𝐚𝐟𝐟𝐢𝐜 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐫𝐬, 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠-𝐁𝐢𝐠𝐚𝐬

MP Uy-Oyod shares a moment with the CCTMU rice recipients during the photo opportunity.

𝐂𝐂𝐓𝐌𝐔 𝐓𝐫𝐚𝐟𝐟𝐢𝐜 𝐄𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐫𝐬, 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠-𝐁𝐢𝐠𝐚𝐬

𝟑𝟏 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 – 𝐃𝐚𝐭𝐮 𝐎𝐝𝐢𝐧 𝐒𝐢𝐧𝐬𝐮𝐚𝐭, 𝐌𝐃𝐍 | Bilang pagkilala sa kanilang walang sawang serbisyo, matagumpay na naipamahagi ng Tanggapan ni Member of Parliament (MP) Atty. Sittie Fahanie S. Uy-Oyod ang tulong sa siyamnapu't limang (95) miyembro ng Cotabato City Traffic Management Unit (CCTMU), sa ilalim ng programang #FahanieCares: Bringing Bangsamoro Public Service Closer to You. 

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng isang sako ng sampung (10) kilong bigas. Ito ay bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada ng Cotabato City.

Ang #FahanieCares ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo publiko upang masigurong nararamdaman ng bawat Bangsamoro ang pagkalinga ng kanilang pamahalaan.


Published on August 04, 2025
Share: