Update August 04, 2025

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”, ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—•๐—ข๐—ก๐—ข, ๐—”๐—ง ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—œ ๐— ๐—ฃ ๐—จ๐—ฌ-๐—ข๐—ฌ๐—ข๐——

Selected farmer-beneficiaries load their received power tiller (bao-bao) and backpack sprayer.

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”, ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—•๐—ข๐—ก๐—ข, ๐—”๐—ง ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—œ ๐— ๐—ฃ ๐—จ๐—ฌ-๐—ข๐—ฌ๐—ข๐——

๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ โ€“ ๐——๐—ฎ๐˜๐˜‚ ๐—ข๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฎ๐˜, ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ | Matagumpay na naisagawa ng opisina ni MP Atty. Sittie Fahanie S. Uy-Oyod ang "Turnover of Farming Equipment and Disbursement of Financial Assistance to Farmers Cooperative and Association"โ€”isang programang may layuning matulungan ang mga kooperatiba/asosasyon ng mga magsasakang lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Maguindanao del Sur kamakailan. Sa ilalim ng programang ito, labindalawang (12) kooperatiba/asosasyon ng magsasaka ang nakatanggap ng mga kagamitang pansaka tulad ng powered-tiller (bao-bao) at backpack sprayer, habang lahat ng kalahok na kooperatiba/asosasyon ay binigyan ng tig-dalawang bote ng abono bilang suporta sa kanilang pagtatanim.

Dagdag pa rito, sampung (10) iba pang kooperatiba/asosasyon ng magsasaka ang tumanggap ng pinansyal na tulong kalakip ng sprayer, upang mapalakas ang kanilang muling pagbangon at operasyon sa sakahan. Layunin ng inisyatibang ito na mapagaan ang pasanin ng mga magsasaka at mapabilis ang kanilang rehabilitasyon mula sa kalamidad. Patuloy ang programa ng opisina para sa sektor ng agrikultura, bilang tugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa Bangsamoro na patuloy na humaharap sa mga hamon ng kalikasan.


Published on August 04, 2025
Share: