Update August 04, 2025 ๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐ง๐จ๐๐ฌ๐๐ก๐ง๐ ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐โ๐ง ๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ฆ, ๐ง๐จ๐ ๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐ฃ ๐จ๐ฌ-๐ข๐ฌ๐ข๐ Students from Markadz Bustan Al-Ilm happily received sacks of rice delivered by the staff of MP Uy-Oyod. ๐ญ ๐๐๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ โ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ | Matagumpay na isinagawa ng Tanggapan ni MP Atty. Sittie Fahanie S. Uy-Oyod, sa pakikipagtulungan ng 6th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Al Victor Burkley, ang pamamahagi ng mga sako ng bigas sa mga piling benepisyaryo sa ilang bayan ng Maguindanao. Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang suporta para sa edukasyon ng mga mag-aaral ng Islam sa Bangsamoro region.May kabuuang limang daan (500) bags ng tig-10 kilong bigas ang naipamigay sa mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang Markadz na matatagpuan sa mga bayan ng Datu Piang, Datu Saudi Ampatuan, Shariff Saydona Mustapha, Datu Unsay, at Mamasapano. Ang bawat estudyante mula sa mga sumusunod na Markadz ay nakatanggap ng isang (1) bag ng bigas: Markadz Arrahman, Markadz Bustanul Ilem, Markadz Esmail Bin, Markadz Al-Magaganie, Markadz Dar Al-Thiker, Markadz Ahluttawheed, Markadz Al-Israโa, Markadz Sayyid Salam, Markadz Othman, Markadz Kanebpal, at Markadz Al Fallah. Back to All Updates View More Updates