Update June 15, 2025 Pamamahagi ng Bigas, Tulong Para sa mga Volunteer Islamic at English Teachers sa Mag.Sur Some of the Volunteer Islamic and English Teachers from Maguindanao del Sur who received rice assistance from the Office of MP Uy-Oyod, despite not being selected in the previous batch of Financial Assistance. 𝟭𝟬 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟱 - 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗣𝗶𝗮𝗻𝗴, 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿 | Matagumpay na naisagawa ng Opisina ni MP Atty. Sittie Fahanie S. Uy-Oyod ang pamamahagi ng bigas para sa mga Volunteer Islamic and English Teachers (VTs) na nagmula sa iba't ibang munisipyo sa Maguindanao del Sur. Ito ay isinagawa sa Brgy. Buayan sa Datu Piang. Mahigit dalawandaang (200) VTs ang tumanggap ng bigas mula sa tanggapan. Ang mga VTs na ito ay ang mga nag-apply sa nakaraang programa ng Office of MP Uy-Oyod subalit hindi pinalad na matanggap sa dahil sa limitadong slots. Gayunpaman, nais iparamdam ng opisina na hindi man sila napasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng programa, ay kinikilala at pinahahalagahan pa rin ang kanilang hirap at sakripisyo para sa larangan ng edukasyon. Para sa opisina, mahalagang mabigyang pagkilala ang mga gurong boluntaryo na patuloy na nagsisilbi sa mga kabataan ng Bangsamoro kahit hindi nakatatanggap ng sapat na kabayaran. Ang pamamahagi ng bigas ay simpleng paraan upang maipadama sa kanila ang suporta ng tanggapan sa kabila ng mga limitasyon ng programa. Patuloy ang pagsisikap ng opisina na makahanap ng mga paraan upang mas marami pang maabot na mga guro at kababayan na nangangailangan ng tulong. Back to All Updates View More Updates