Update August 04, 2025

𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗠𝗣 𝗨𝗬-𝗢𝗬𝗢𝗗 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗦𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗

Staff from the Office of MP Uy-Oyod handing out relief goods to individuals affected by the severe flash flood in Maguindanao del Sur.

𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗠𝗣 𝗨𝗬-𝗢𝗬𝗢𝗗 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗦𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗

𝟭𝟴 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟱𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼, 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿 | Bilang tugon sa matinding pagbaha na tumama sa ilang bahagi ng Maguindanao del Sur kamakailan, matagumpay na naisakatuparan ang pamamahagi ng tulong sa kabuuang anim na raan at labinwalo (618) na benepisyaryo mula sa pitong (7) barangay ng Datu Salibo: Butilen, Pagatin, Pandi, Sambulawan, Butalo, Tee, at Crossing Pagatin. Ang aktibidad ay ginanap sa Datu Salibo Police Station at isinagawa sa ilalim ng pamumuno ng tangapan ni MP Uy-Oyod, katuwang ang Office of the Special Assistant to the President (OSAP) Secretary Antonio F. Lagdameo, Jr., sa pakikipagtulungan ng 6th Infantry "Redskin" Battalion ng Armed Forces of the Philippines at Datu Salibo Municipal Police Station.

Ang nasabing relief distribution ay bahagi ng patuloy na malasakit ng pamahalaan sa mga mamamayang labis na naapektuhan ng kalamidad. Sa pamamagitan ng matibay na koordinasyon at pagtutulungan ng mga opisina at stakeholder sa ground, naging maayos at sistematiko ang pamamahagi ng ayuda. Muling pinagtibay ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa at mabilis na pagtugon upang mapagaan ang dinaranas ng mga komunidad sa panahon ng sakuna.


Published on August 04, 2025
Share: