Update August 04, 2025

SCHOOL KITS HANDOG NG TANGGAPAN NI MP UY-OYOD PARA SA MGA MAG-AARAL

Staff of MP Uy-Oyod are handing out school kits to Grade 1 pupils.

SCHOOL KITS HANDOG NG TANGGAPAN NI MP UY-OYOD PARA SA MGA MAG-AARAL

𝟭 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟱𝗠𝗮𝗴𝘂𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿 | Nasa may kabuuang isang libong (1,000) school kits ang naipamahagi ng tanggapan ni MP Uy-Oyod para sa mga Grade 1 pupils mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan. Layunin ng inisyatibong ito na masiguro na ang bawat batang mag-aaral ay may sapat na gamit sa pag-aaral bilang panimula ng kanilang akademikong paglalakbay. Ang bawat kit ay naglalaman ng school bag, lapis, pantasa, krayola, ruler, pad papers, at notebooks — mga pangunahing kagamitang pang-eskwela na malaking tulong sa mga magulang at estudyante.

Ang mga school kits ay naipamahagi sa mga sumusunod na pampublikong paaralan: Datu Pendililang Piang Elementary School, Datu Koguia Utto Elementary School, Ganoy Elementary School, Butilen Elementary School, Sambulawan Central Elementary School, Ambadao Primary School, Balong Elementary School, Lintukan Elementary School, Maitumaig Elementary School, at Datu Unsay Central Elementary School.
Published on August 04, 2025
Share: