Update August 04, 2025 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐌𝐏 𝐔𝐘-𝐎𝐘𝐎𝐃, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍𝐎, 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑 Children benefited from the feeding program of the Office of MP Uy-Oyod 𝟐𝟗 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 - 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐨, 𝐌𝐃𝐒 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, nagsagawa ng dalawang-linggong feeding program ang Tanggapan ni Member of Parliament (MP) Atty. Sittie Fahanie S. Uy-Oyod para sa mga mag-aaral ng Grade 1 at 2 ng Lusay Elementary School sa Mamasapano, Maguindanao del Sur.Ang nasabing aktibidad ay isinagawa noong Hulyo 21 at matatapos ngayong Agosto 1, 2025 sa ilalim ng programang #FahanieCares: Bringing Bangsamoro Public Service Closer to You. Layunin nitong matulungan ang mga batang kapus-palad na magkaroon ng masustansiyang pagkain bago pumasok sa kani-kanilang klase.Binibigyang-diin ng inisyatibang ito ang kahalagahan ng sapat na nutrisyon para sa kalusugan at pag-unlad ng kaisipan ng mga kabataang Bangsamoro. Patuloy ang Tanggapan ni MP Uy-Oyod sa paghahatid ng mga serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. Back to All Updates View More Updates